Connect with us

Provincial News

Mahigit 6K na Kandila, inilawan upang makabuo sa imahe ng Sto. Niño

Published

on

Nagsindi ng higit sa 6000 na kandila ang mga deboto ng Senor Sto. Nino sa Iloilo nitong Enero 18. Ang mga kandila na nakaporma sa imahe ng banal na Nino Jesus ay pinangalanang “Kasanag Niño”.

Ginanap ang pagsisindi sa harap ng Jose de Placer parish sa City Proper at pinangunahan ni Rev. Fr. Raymundo Edsel Alcayaga. Ang religious activity na ito ay bahagi ng taunang pagdaraos ng Dinagyang Festival. Ayon kay Alcayaga, ang malaking imahe ng Señor Sto. Niño ay kaunaunahan sa bansa. “Wala pa ko sang iban nabal-an nga naghimo pareho sini,” aniya. (Wala pa akong nabalitaan na gumawa ng kapareho nito.)

Kabilang sa mga aktibidad ay ang mga sumusunod: Pagsasadula sa pagdating ng Santo Niño de Cebu sa parokya at ang orihinal na pag palibot ng Plaza Libertad sa Enero. 23; fluvial procession at prusisyon sa Enero 24; at grand religious sadsad sa harap ng San Jose de Placer Church sa Enero 25. Hinihikayat ni Alcayaga ang publiko na makibahagi iba’t ibang religious activities. “As we celebrate the festival, let us also give attention, give time to the religious activities that the San Jose Parish has lined up in connection with the feast of Sto. Niño,” sabi ni Alcayaga.

Ang tema ng festival sa taong ito ay: “Perfect Vision: Celebrating the Ilonggo Spirit in Honor of Señor Santo Niño.” Ang Dinagyang ay isa sa pinakalaking festival sa bansa. Milyon milyong mga turista ang dumarayo sa Iloilo upang makisaya kada taon. Nagsimula ang Dinagyang noong 1968 nang dinala ang imahe ng Señor Sto. Niño sa San Jose de Placer Church mula sa Cebu. “It is because of this devotion that the Dinagyang was born and has become a joyous religious and socio-cultural celebration held every 4th Sunday of January,” dagdag pa ni Alcayaga.

Source: IMTN