International News
70 libong ektarya inatake ng bilyong balang sa Africa
Sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang 70 taon, sinalakay ng insektong locust na sumisira ng mga pananim ang Somalia, Ethiopia at Kenya.
Halos 70, 000 ektarya ng lupa sa Kenya na di umano ang sinalakay nito at sinira.
Pinangangambahan ng mga lokal doon na maubos ng mga insekto ang kanilang mga pananim ayon kay Agriculture Deputy Director Francis Kitoo.
“The locals are really scared because they can consume everything,” ani Francis Kitoo.
Ayon naman kay Guleid Artan, ng regional expert group Climate Prediction and Applications Centre (ICPAC), maari itong humantong sa isyu ng kakulangan sa pagkain.
Ayon sa United Nations (UN)., 23.6 million katao na sa kasalukuyan ang nakararanas ng kakulangan sa pagkain sa rehiyon dahil sa mga pag-ulan at maaaring madadagdagan pa ito dahil sa locust outbreak.
Gumamit na ng machine guns at tear gas ang Kenya police para maawat ang mga locust sa pag-atake ng mga pananim.
Nag-spray na rin ng mga pesticide mula sa maliliit na mga eroplano sa Ethiopia.
Nagbigay ang UN ng US$10 million pero hindi umano ito sapat para makabuo ng $70 million na para gastusin sa pag-spray ng mga pesticides kaya’t nanawagan sila ng tulong sa mga international donors.
Karaniwang lumalabas ang mga locust kapag paparating na ang buwan ng June, July, at August, pero biglaan ang kanilang naging pagsalakay dahil sa pabagu-bagong temperatura sa lugar.
Via https://www.lucisphilippines.press/2020/01/a-plague-of-locusts-is-consuming.html
https://edition.cnn.com/2020/01/24/africa/kenya-locust-swarms/index.html