Connect with us

Sports

“Walang Kai-kaibigan o Loyalty sa NBA”–Andre Drummond

Published

on

Pitong season naglaro si Andre Drummond para sa Detroit Pistons, nag-evolve bilang All-Star center sa koponan.

Kaya naman ng bigla siyang i-trade patungong Cleveland, marami ang nagulantang.

Pati siya.

Biyernes (oras sa Pilipinas) ay nanorpresa ang Pistons ng ipamigay ang kanilang star player sa Cleveland kapalit lamang ang ilang role player na sina Brandon Knight, John Henson at 2nd round pick.

Matapos ang trade ay naglabas ng sama ng loob si Drummond sa Twitter, aniya, dahil sa nangyari ay nalaman niyang walang loyalty at walang kaibi-kaibigan sa NBA.

“If there’s one thing I learned about the NBA, there’s no friends or loyalty,” ayon kay Drummond, na nag-aaverage ng 17.8 points at 15.8 rebounds ngayong season.

Isa pa sa kinaasar ng two-time All-Star ay hindi man lang umano siya inabisuhan ng Pistons management ukol sa trade.

“I’ve given my heart and soul to the Pistons , and to be have this happen with no heads up makes me realize even more that this is just a business!” aniya pa.

Andre Drummond@AndreDrummond

If there’s one thing I learned about the NBA, there’s no friends or loyalty. I’ve given my heart and soul to the Pistons , and to be have this happen with no heads up makes me realize even more that this is just a business! I love you Detroit...

Masama man ang loob ay determinado itong tapusin ang season sa bagong koponan, at haharapin ang free agency sa 2020-21 season.

Andre Drummond@AndreDrummond

Cont… you will always have a special place in my heart! But on to the next @cavs hope your ready! Let’s finish the year off the right way

Article: ABANTE