Connect with us

Aklan News

Mga dating pulis at pulitiko nasa likod ng laganap na illegal gambling sa Aklan

Published

on

Patuloy pa rin ang paglaganap ng illegal number games sa Aklan at Iloilo sa kabila ng isinasagawang all-out war laban sa illegal gambling ng mga kapulisan.

Ito ay ayon sa pahayag ni Western Visayas police chief Police Brigadier General Rene Pamuspusan.

Katunayan, sa unang buwan pa lamang ng taon ay umaabot na sa 355 indibidwal at 100 operators ang naaresto sa PRO-6.

Ibinunyag ni Pamuspusan na mayroon na silang watchlist ng mga indibidwal na nagsisilbing financer sa likod ng operasyon ng mga illegal na gawain.

Ayon pa kay Pamuspusan, karamihan sa kanila ay mga dating miyembro ng pulisya, pulitiko at mga mayayamang indibidwal na kayang maglabas ng pera para sa mga illegal game operations.

Ipinaliwanag rin nito kung bakit ang mga small time bet collectors lang ang kanilang naaaresto at hindi ang kanilang mga financer.

Binabase umano nila ang pag-aresto sa kanilang hawak na ebidensya. Kinakailangan pa umano na ma-establisa ang kanilang partisipasyon sa illegal na gawain bago maaresto.

Maliban sa mga lokal na pulisya, makikipag-ugnayan rin sila sa PNP Regional Intelligence Division (RID) at PNP Regional Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG).