Connect with us

Aklan News

PAGBUO NG BORACAY ISLAND DEVELOPMENT AUTHORITY, ISINULONG SA KAMARA

Published

on

Isinusulong ngayon sa House of Representatives ang House Bill 6214 – “An act creating the Boracay Island Development Authority (BIDA)” sa pangunguna ni Cong. Paolo Duterte ng 1st District,  Davao City at mga co-sponsors na sina Cong. Eric Yap (ACT-CIS)  at Cong. Sandro Gonzales ng MARINO partylist.

Sa nasabing HB pangunahing responsibilidad ng BIDA na masiguro ang patuloy na rehabilitasyon at pagsasaayos ng isla.

Ang BIDA din ang bubuo ng mga polisiya, plano, programa at proyekto para sa rehabilitasyon, pangangalaga ng isla gayon din na tiyaking sapat ang mga probisyon para sa environmental management control, pangangalaga sa pagkakapantay-pantay ng mga tao at eco-system para maiwasan ang ecological disturbances, pagkasira at polusyon sa kapaligiran.

Sila din ang magpo-promote at maghihikayat sa lahat ng sektor sa lipunan at publiko na makilahok sa pangangalaga, pag-iingat at pagpo-protekta sa isla.

Kasalukuyan na ngayong tinatalakay sa house committee on government enterprises and privatization ang nasabing house bill.

Maaalala na nauna ng nag file ng kaparehong resolution si Sen. Franklin Drilon sa senado noon nakaraang taon 2019 at patuloy pang pinag-uusapan hanggang sa ngayon sa senate committee level.