Connect with us

About Us

Ang RADYO TODO ay ang Radio platform ng TODO MEDIA SERVICES. Ito ay itinatag ng Aklan brodkaster na si Jonathan Cabrera.

Ang Radyo Todo Aklan 88.5 FM ay unang umere sa Kalibo noong February 2013.

radyo-todo-team

Ang Radyo Todo Capiz 97.7 FM ay unang umere sa Roxas City noong February 2016.

Madaling tinanggap at tinangkilik ng mga tagapakinig ang mga programa ng Radyo Todo dahil binigyang importansya nito ang mga issue at usaping lokal na mas mahalaga sa kanila at direktang may epekto sa kanilang buhay at mga desisyon.

Ang mga personalidad na humahawak ng mga programa ng Radyo Todo ay mga batikang brodkaster din na may sapat nang kaalaman at karanasan dahil galing din ang mga ito sa mga lokal na himpilan.

Ang Radyo Todo ay nagbibigay ng una at dekalidad na mga balita, issue, opinyon, komentaryo at entertainment sa mga taga pakinig nito kung kaya’t kinilala ng Philippine Top Choice Awards 2019 bilang MOST TRUSTED FM RADIO STATION in Aklan.

Ang Radyo Todo rin ang nangunguna sa innovations sa pamamahayag kagaya ng Facebook Live kung saan ito ang may pinakamaraming followers sa kung ikukumpara sa ibang media FB page sa Aklan at Capiz.

Ito rin ay may Application sa available sa Google Play Store na non-stop na mapapakinggan online.

Ang Radyo Todo rin ang una at nag iisang napapanood sa local channels ng Cable TV sa Aklan at tinatawag na Todo TeleRadyo.

Ang Radyo Todo ay patuloy na nagsasagawa ng research and developments upang makipagsabayan sa mga higanteng radio network na nag ooperate sa Aklan at Capiz.

Services:

Advertising
Media Relations
Audio/Video Productions