Connect with us

Agriculture

4 na biktima ng paputok isinugod sa Aklan Provincial Hospital sa bisperas ng bagong taon

Published

on

Apat na mga biktima ng paputok ang isinugod sa Aklan Provincial Hospital sa bisperas ng Bagong Taon.

Tatlo sa mga ito ay pawang mga taga New Washington na kinilalang sina John Mark Bautista, 37 anyos, ng Brgy. Cawayan na naputukan ng whistle bomb sa kanang kamay.

Tinamaan din ng kwitis sa kaliwang mata ang 35 anyos na si Rossel Ambito sa Brgy. Pinamuk-an, at ang kabarangay nitong 15 anyos na naputukan ng 5 star sa kanang kamay.

Sa bayan ng Numancia, isinugod sa ospital ang isang 16 anyos na menor de edad na taga Brgy. Laguinbanwa, matapos maputukan ng kwitis sa kaliwang kamay.

Batay sa Department of Health (DOH), bumaba ang mga naitalang firecracker-related injuries sa bansa simula Disyembre 21 hanggang Bagong Taon kumpara sa kaparehong panahon noong 2021.

Nakatulong umano sa pagbaba ng kaso ang mga ipinatupad na ordinansa ng lang mga LGU kaugnay sa paggamit at pagbebenta ng mga paputok.