Connect with us

Agriculture

BIRD FLU OUTBREAK SA PH IDINEKLARA NG DA

Published

on

bird flu

Ipinahayag noong Miyerkoles, Marso 30 ng Department of Agriculture (DA) ang outbreak ng Avian Influenza (AI) o H5N1 sa bansa.

Ito’y matapos maiulat ang pagtaas ng kaso ng avian flu sa Central Luzon.

Pinaka malaking naapektuhan ng bird flu sa Central Luzon ay ang mga farm ng itik at pugo at sinasabing ang mga migratory birds na bumibisita sa bansa ang sanhi ng outbreak, ito ay batay sa pahayag ni Agriculture Secretary William Dar sa Laging Handa Briefing.

“Yung apektado karamihan dito sa Central Luzon pero mostly ducks and quails. Meron tayong pagtugon agad sa mga apektado at nabibigyan na rin ng ayuda yung mga naapektuhan (Most ducks and quails in Central Luzon were infected. We already provided assistance to farmers affected by the outbreak),” sinabi ni Agriculture Secretary William Dar batay sa ulat ng Manila Bulletin.

Sa mga naunang pahayag, nabanggit ng DA chief na mayroon nang nailabas na memorandum circular (MC) para paigtingin ang pag pigil o pag kontrol sa sakit.

Batay sa MC ang DA ay magsasagawa ng mga regulasyon sa pag galaw ng mga itik, pugo, manok at iba pang poultry na apektado ng bird flu, lalo na sa loob ng one-kilometer (km) quarantine area.

Para maayos na maipatupad ang mga alituntunin sa ilalim ng MC, ang iba pang kaugnay na idustriya gaya ng Bureau of Animal Industry (BAI) ay nakikipag ugnayan din sa apektadong lokal na gobyerno (LGUs), sa Regional Field Offices (RFOs) at sa mga poultry industry stakeholders.

Ayon kay Dar, dapat i-monitor ng mga LGUs ang mga local hot spots, kabilang dito ang mga swampy areas na maaring bahayan ng mga migratory birds na mayroong bird flu.

Para naman sa posibleng pagkahawa ng mga tao, nakipag ugnayan na ang ahensiya sa Department of Health (DOH) para ma-monitor ang mga residente sa nasabing lugar.

“Kami ay in tandem with LGUs even with DOH […] Merong possibility na makahawa sa health pero wala pa naman na mo-monitor na transmission ng H5N1 virus sa humans though may pagaaral na there’s a possibility (We are in tandem with LGUs and the DOH. There’s a study about possibility of human transmission of H5N1 virus but so far we have monitored zero cases),” paliwanag ni Dar.

Para naman sa mga farmers na naapektuhan ng H5N1, ang DA ay magbibigay ng tulong suporta para makapag simulang muli. Ito’y kapag ang bansa ay nasa zero bird flu cases na, ayon kay Sec. Dar.

(Manila Bulletin)

Continue Reading