Connect with us

Agriculture

Palikong motor, nabundol ng isa pang motor sa Banga

Published

on

Posibleng bali sa kaliwang paa ang tinamo ng isang motorista matapos na mabundol ng isa pang motorsiklo sa bahagi ng Linaubuan Sur, Banga nitong Lunes.

Batay sa report ng Banga Pnp, pareho umanong binabaybay ng dalawang motorsiklo ang naturang lugar ngunit nang akma na sanang liliko ang naunang motor ay dumeretso naman dito ang kasunod na motorsiklo.

Dahil sa nangyari, natumba ang nabundol na motorsiklo rason para magtamo ng iba’t-ibang sugat sa katawan ang motorista at posibleng bali sa kaliwang paa.

Sa ngayon ay naka-confine parin ang biktima sa Aklan Provincial Hospital para sa kaukulang pagpapagamot.