Aklan News
₱100k na gcash loan, ikinabigla ng isang lalaki; umano’y hindi naman ito nangutang


Ikinagulat ng isang lalaki ang ₱100,000 na loan sa kanyang GCash account dahil wala umano itong matandaang naging loan transaction sa nasabing e-wallet company.
Ayon kay Philip, 28-anyos, bandang alas-8:00 ng umaga nitong Lunes nang makatanggap ito ng isang text message mula sa GCash na sinisingil siya sa halagang ₱4,930.47.
Dahil dito, nagtaka siya kung para saan ito dahil wala aniya siyang inutang sa nasabing e-wallet.
Samantala, sa pagsiyasat nito sa kaniyang account ay nabigla ito nang matuklasan na siya ay may kasalukuyang loan sa GGifts (GGives) na nagkakahalaga ng ₱100,000.
Agad niya itong ini-report sa Customer Service Center ng GCash ngunit nangangailangan pa ng 15 araw upang matugunan ang reklamo.
Minabuti naman nitong ipa-record ang nangyari sa Kalibo Municipal Police Station. l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading