Aklan News
₱30k na laman ng gcash account, nalimas matapos mabiktima rin ng bagong modus


NALIMAS ang ₱30,000 na laman ng gcash account ng isang negosyante matapos na mabiktima rin ng bagong modus sa nasabing e-wallet app, kahapon, Mayo 27.
Sa salaysay ng negosyante na tumanggi nang magpapangalan, nitong hapon ng Martes nang magpacash-in ang isang indibidwal sa halagang ₱290.
Samantala, maya-maya ay nagpacash-in muli ito sa halaga namang ₱490.00 at humiling na kunan ng litrato ang reference number.
Paniwala negosyante na dito na na-isingit ng naturang indibidwal ang pagkuha ng OTP para mai-transfer ang pera na nagkakahalaga ng P30,000 sa singlife.
Natuklasan nalang ng kaniyang bantay sa tindahan na kulang na ang pera nang maglista ito ng mga transaction details.
Nakipag-ugnayan na rin sila sa gcash at inaasahan ang pagtugon sa loob ng 48 oras.
Wala pa rin umano silang natanggap na tugon mula sa singlife kaugnay ng insidente.
Una na ring may napaulat ang parehong modus sa bayan ng Makato, subalit agad namang napansin ng may-ari at hindi nito naituloy ang transaksyon.
Samantala, sa bayan ng Kalibo, ito na ang pangalawang nailista na nabiktima ng naturang modus. Ulat ni Arvin Rompe