Connect with us

Aklan News

1, 336 rice farmers sa Aklan, nakatanggap ng tig-P5K na ayuda mula sa DA

Published

on

PHOTO: DEPARTMENT OF AGRICULTURE

NAKATANGGAP ng tig-P5,000 na financial assistance ang nasa 1,336 na rehistradong rice farmers sa lalawigan ng Aklan nitong Martes.

Ito ay sa ilalim ng Rice Farmer’s Financial Assistance (RFFA) ng Department of Agriculture.

Ayon kay DA VI Regional Director Dennis Arpia, sa pamamagitan nito ay matutulungan ang mga magsasaka sa lalawigan na mapataas ang kanilang produksyon.

Saad pa nito, ito ang kauna-unahang distribusyon ng nasabing RFFA sa buong bansa.

Napag-alaman na kabuuang P6,680,000 ang halaga ng financial assistance na ipinamahagi sa mga kwalipikadong magsasaka.