Connect with us

Aklan News

1 BUWAN NA REHABILITASYON NG MGA POSTE SA BORACAY NAGSIMULA NA

Published

on

Kalibo, Aklan – Nagsimula na ngayong martes ang 30 araw na AKELCO Task Force Boracay Line Rehabilitation Project 2019 kaya dapat na asahan di umano ang madalas na pagkawala ng kuryente sa isla.

Ito ang ipinahayag kanina ni Engr. Joel Martinez ang Asst. General Manager for Engineering ng AKELCO sa kanilang ipinatawag na open forum.

Sinabi ni Martinez na ito na ang kanilang pinaka finale ng Task Force Boracay na tatakbo mula September 24 – October 24, 2019.

Ang bagong task force ay binubuo ng 80 organic na mga linemen mula sa AKELCO.

Pangunahing layunin ng task force na tapusin na ang relokasyon ng mga poste upang maibsan na ang mga power interruptions sa isla na nagiging abala sa mga stakeholders.

Kaugnay nito, humingi ng suporta ang AKELCO mula sa LGU Malay, National Task Force Boracay, Brgy. Officials, PNP, Traffic Enforcers, at mga stakeholders upang maging matagumpay ang proyekto.