Connect with us

Aklan News

1 GERMAN AT 2 SEAMEN, NAKA QUARANTINE SA AKLAN TRAINING CENTER

Published

on

aklan-training-center-in-old-buswang

Kalibo, Aklan – ISINAILALIM sa quarantine at specimen testing ang isang german national at dalawang seaman na dumating kamakailan sa Aklan.

Ang german national ay dumating sa Kalibo noong nakaraang araw sakay ng private plane galing sa Metro Manila para uwian ang kanyang asawang namatay sa cardiac arrest sa Boracay.

Dumating ito sa Manila noong April 15 mula Germany at nakakuha ng mga travel documents sa Department of Foreign Affairs at clearance sa Aklan Provincial Government bago pinayagang bumiyahe patungong Aklan.

Ayon kay Aklan Provincial Health Officer Dr. Cornelio Cuachon, Jr., hindi muna ito pinapasok sa Malay dahil sa mandatory 14 days quarantine.

Samantala, dalawang Overseas Filipino Workers na seaman na isinailalim din sa 14 days quarantine sa Negros Occidental ang umuwi sa Aklan at muling isinailalim sa quarantine sa ATC.

Minabuti ng PHO na kunan na rin ang mga ito ng specimen samples at pinadala sa Western Visayas Medical Center Sub National Laboratory para masiguradong wala itong dalang coronavirus.

Kapag lumabas ang result na negative sa COVID 19 ang nga ito ay papayagan na rin silang makauwi sa kanilang pamilya o tahanan.

Ayon kay Dr. Cuachon, pinapayagan namang makauwi sa Aklan ang mga Aklanon na galing sa ibang lugar basta meron silang Certification mula sa health authorities na kanilang panggagalingan na magpapatunay na sila ay sumailalim na sa 14 days quarantine at clearance mula sa munisipyo na kanilang uuwian at sila ay muling isasailalim sa 14 days quarantine pagdating sa Aklan.