Aklan News
1 PATAY, 2 SUGATAN SA HIWALAY NA AKSIDENTE SA AKLAN
Isa ang patay habang dalawang rider ang sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa Aklan kahapon.
Binawian ng buhay ang isang drayber ng motorsiklo na si Rudy Reyes, 42, ng Malogo, Poblacion, New Washington, matapos aksidenteng mabangga si Emilio dela Luna, 57, ng Mabilo, New Washington habang tumatawid sa kalsada.
Naidala sila pareho sa ospital pero kinalaunan ay binawian din ng buhay ang rider dahil sa natamong pinsala sa ulo.
Sa isa pang insidente, isang lalaking nagmamaneho ng motorsiklo na kinilalang si Jemar Sastrado, 30, ng Balabag, Boracay ang nawalan ng balanse at tumumba sa motor.
Dinala rin siya agad sa ospital dahil sa mga sugat na natamo sa ulo at mukha.
Samantala, sugatan din ang rider na si Patrick Luis Crispino, 20 ng Badio, Numancia, matapos sumalpok sa isang traysikel sa may crossing Banga, Kalibo.
Confined ngayon sa ospital ang biktima matapos mabalian ng kanang paa.