Connect with us

Aklan News

10 ESTABLISYEMENTO AT 1 RADIO STATION, IPINASARA SA BORACAY

Published

on

Boracay – Ipinasara ni Mayor Frolibar Bautista ang 10 commercial establishments at isang radio station sa Isla ng Boracay dahil sa kawalan ng Business/Mayor’s permit to operate at sa hindi pagbabayad ng mga kaukulang buwis nitong nakaraang linggo.

Sa ipinalabas na closure order ni Mayor Bautista noong Oct. 18, 2019, inatasan nito si Gian Kyle Talapian ang Business License Compliance Enforcer ng Malay na ipatupad ang nasabing order kontra sa mga negosyanteng “pasaway”.

Ito ay kinabibilangan ng Radyo Boracay/Radyo Birada, 7-J Martin Jewelry Maker and Repair, JB Salon, Souvenir Shop (Asralla Casan), A-Kon Laundry Strategy and Marketing Consultancy, Inc., Tourist Inn and One Big Wash, Fed’s Pizza House, C and F Cuisine, Aww Meow and More Animal Center, Sacapa no Place (formerly Paupatri) at Acevedo Panol Optical, Inc.

Nasampulan ang mga ito sa kampanya na “BAWAL ANG PASAWAY SA BORACAY” ng LGU Malay.

Samantala, nakatakda bukas ang launching ng nasabing programa, alas 7 ng umaga kasabay ng flag ceremony sa munisipyo.