Connect with us

Aklan News

10 KATAO NA LUMABAG SA CURFEW SA KALIBO, SASAMPAHAN NG KASO

Published

on

Photo courtesy| Malbert Dalida/Radyo Todo Aklan

Kalibo – Kinumpirma mismo ni PMaj. Belshazzar Villanoche, hepe ng Kalibo PNP na sasampahan ng kaso ang 10 katao na lumabag sa curfew kagabi sa Kalibo.

Nabatid na may mga nagtangka pang tumakas at magpahabol sa mga otoridad sa unang gabi ng pagpapatupad ng curfew ngunit hindi ito nakalusot sa mga kapulisan.

Pansamantala silang ikinustodiya sa Kalibo PNP station habang inihahanda ang kasong Disobedience to a Local Order.

Magugunitang nagpalabas ng Executive Order No. 031 si Kalibo Mayor Emerson Lachica kung saan nakasaad ang curfew hours mula alas-9:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.

Nilinaw ng opisyal na ang panghuhuli sa mga taong lumalabag sa curfew ay isa sa mga hakbang hindi lang para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 kundi pati mabawasan ang krimen sa Kalibo.

Sa kasalukuyan ay nananatili pa rin na COVID-19 free ang buong probinsya ng Aklan.