Connect with us

Aklan News

10-wheeler truck na may kargang buhangin, nagliyab

Published

on

Nagliyab ang isang 10-wheeler dump truck na may kargang buhangin sa Libertad, Nabas, Aklan kahapon.

Minamaneho ni Rolando Gonzalo Sr, 54-anyos ng Tayuman Quezon Province ang naturang dump truck.

Sa panayam ng Radyo Todo kay FO3 Menchie Alba ng BFP Nabas, mula sa Numancia ang naturang truck at patungo sana sa Caticlan ng mangyari ang aksidente.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng BFP Nabas, aksidenteng bumangga ang naturang truck sa sinusundan nitong isa pang truck kung kayat nilihis ng drayber ang manebela nito at pinatalon ang sasakyan sa gutter.

Dahil dito ay biglang umusok ang gulong sa likurang bahagi ng truck hanggang sa lumiyab ito.

Kaagad namang nirespondehan ng BFP Nabas ang insidente at inapula ang apoy.

Samantala, tinatayang P30,000 ang naiwang danyos ng sunog.