Aklan News
100% O FULL SEATING CAPACITY SA MGA PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON SA AKLAN, PINAPAYAGAN NA
Simula ngayong araw, maari nang ipatupad ang 100% seating capacity sa lahat ng mga pampublikong transportasyon sa Aklan.
Ito ay batay sa EO No. 009 Series of 2022 ni Aklan Gov. Florencio Miraflores kasunod ng rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na ibaba sa Alert Level 1 classification ang Aklan kabilang na ang 39 na iba pang lugar sa bansa.
Bukod dito, nakasaad din sa EO na maari nang magpatupad ng 100% capacity sa lahat ng mga pribadong opisina kabilang ang public at private construction sites pati ang mga government agencies.
Hindi na rin inirerekomenda ang paggamit ng mga foot bath, disinfection tent o sanitation booth sa mga establisyemento.
Opsyonal na rin ang paggamit ng mga plastic barriers.
Pero required pa rin na magpakita ng vaccination card ang mga nasa edad 18 pataas kung makikisali sa mga mass gatherings.
Tinanggal na rin ng lokal na pamahalaan ang curfew hours at liquor ban.