Aklan News
1000 AICS beneficiaries sa bayan ng New Washington, nakatanggap ng tig-P2000 na financial assistance mula kay Sen. Imee Marcos
Nakatanggap ng tig-P2000 ang 1000 benepisyaryo ng Assistance in Crisis Situation o AICS sa bayan ng New Washington, Aklan mula kay Sen. Imee Marcos kaninang umaga.
Ang nasabing bilang ay nagmula sa 16 na baranggay ng New Washington. 202 dito ang mula sa Brgy. Poblacion, 150 Brgy. Polo, 77 Brgy. Ochando, 69 Brgy. Cawayan, 58 Brgy. Mabilo, 53 Brgy. Jalas, 48 Brgy. Pinamuk-an, 41 Brgy. Guinbaliwan, 41 Brgy. Fatima, 36 Brgy. Tambak, 27 Brgy. Puis, 24 Brgy. Dumaguit, 22 Brgy. Mataphao, 18 Brgy. Candelaria, 16 Brgy. Jugas at 8 Brgy. Lawaan.
Ayon kay New Washington Mayor Jessica Panambo, nagpapasalamat siya sa financial assistance na ipinagkaloob ni Sen. Imee dahil malaki rin umano itong tulong sa kanyang mga mamayan sa pamamagitan naman kay 2nd Dist. Cong. Ted Haresco.
Ipinasiguro rin ng alkalde na marami pang programa at assistance ang aasahan ng mga taga-New Washington sa kanyang administrasyon. Kamakailan lamang ay namigay sila ng 30 units na e-bike sa mga traysikad drayber at karagdagang 30 units pa umano ang ipinangako sa kanya ni Cong. Carlito Marquez para mabigyan ang lahat ng myembro ng tri-sikad association.
Dinaluhan din ang nasabing aktibidad nina, Cong. Teodorico Haresco, Aklan Gov. Jose Enrique Miraflores, Nabas VM James Solanoy, Tangalan Mayor Gary Fuentes, New Washington Mayor Molot Quimpo at mga SB members nito, DSWSD Asst. Reg. Dir. Arwin Razo at Mr. Jessie Perez, representative mula sa tanggapan ni Sen. Marcos.
Samantala, pinangunahan naman ni 2Lt. Ryan Bastan, CO ng 33rd CMO Coy, 3CMOBn, 3ID, PA at New Washington PNP sa pangunguna ni PLt. Micah Andrea Sibayan ang pagpapatupad ng peace and order sa lugar.