Connect with us

Aklan News

11 CHINESE NATIONALS, UNDER OBSERVATION SA AKLAN TRAINING CENTER DAHIL MAY NAKASALUMUHA NA POSITIBO SA WUHAN CORONAVIRUS SA HONGKONG

Published

on

Kalibo, Aklan – INOOBSERBAHAN ngayon sa Aklan Training Center ang 11 Chinese Nationals na nakasama at nakasalumuha ng isang biktima ng Novel Coronavirus habang sila ay nasa Hong Kong at bago nagtungo sa Boracay.

Ayon kay Aklan Provincial Health Officer Dr. Cornelio Cuachon Jr, galing sa Hubei Province, China ang 5 Chinese at nagtungo sa Hong Kong noong January 21.

Nakitaan ng sintomas ng Coronavirus ang isa sa kanila kung kaya naconfine ito sa hospital sa Hong Kong samantala January 22 ay bumiyahe paManila at diretso sa Boracay ang apat.

Makalipas ang ilang araw ay nakumpirma ng Hong Kong government na positive sa NCoV ang isang Chinese kung kaya kaagad nilang pinarating ito sa Philippine Government.

Pinahanap ng DOH sa Aklan PHO ang 4 na mga Chinese nationals at nakuha ito sa Boracay noong nakaraang Sabado at dinala sa Provincial Hospital.

Kasama sa mga dinala ang 7 pang Chinese na nakasama pa ng apat sa loob ng 3 araw sa Boracay.

Wala namang nakitang sintomas ng virus sa mga ito kaya minabuti na lang ng Provincial Government na sa ATC lang muna sila patirahin hanggang February 3 na incubation period.

Kapag walang makitang sintomas ay pauuwiin ang mga ito balik sa China.

Sa ngayon, WALA pang positibong kaso ng NCoV sa Aklan o maging sa buong bansa.

Ang NCoV ay nag umpisa sa Wuhan City, Hubei province sa China kung saan umabot nasa mahigit 100 ang namatay.