Connect with us

Aklan News

11 KABAHAYAN SA SITIO SINAGPA-BORACAY, NILAMON NG APOY

Published

on

Boracay – Nilamon ng apoy ang 11 kabahayan sa may So. Sinagpa, Balabag, Boracay kaninang pasado alas 12 ng hatinggabi.

Sa eksklusibong panayam ng Radyo Todo kay Rasel Sastre isa sa mga nasunugan na nagsimula ang apoy sa bahay ng kanyang kuya na si Regil Sastre. Dagdag nito na dalawang pamangkin lamang niya isang 12 at 10 anyos ang andon sa bahay ng kuya niya dahil nasa So. Bolabog umano ang mga magulang ng mga bata matapos umattend sa isang okasyon.

Ayon kay Rasel nagmula sa ilawan na de-pabilo ang apoy kung saan ito ang gamit ng kanyang mga pamangkin matapos maputulan ng kuryente ang bahay ni Regil.

Mabilis lang umanong tinupok ng apoy ang mga nakapaligid din na kabayahan na yari halos lahat sa light materials at hindi na umano naisalba ng mga bomberong rumesponde sa lugar.

Kasama ring nasunog ang tindahan ni Rasel pati ang kanyang bahay.

Nasa halos 30 indibidwal ang nabiktima ng nasabing sunog at nananawagan ng tulong dahil wala silang nailigtas na anumang kagamitan.

Ang mga biktima ng sunog ay sina:

1. Rasel Sastre – 3 bahay
2. Regil Sastre
3. Roland Gusi
4. Rommel Sastre
5. Gerald Madragon
6. Jerome Madragob
7. Divine Sastre
8. Generose Sastre
9. John Carlo Aria

Pangunahing pangangailangan nila sa ngayon ang mga damit at pagkain.

Isa naman ang sinasabing nasugatan sa paa matapos tumakbo habang inaapula ang apoy.

Ala 1:28am naman idineklarang fire out ito ng mga bombero. Sa ngayon patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP- Boracay sa insidente.