Aklan News
11 kalahok magpapasikat sa fireworks show sa Boracay sa Bagong Taon
Sa kauna-unahang pagkakataon, 11 kalahok ang magpapasikat sa fireworks show sa isla ng Boracay para 2023 New Year’s Eve celebration.
Ayon kay Mayor Frolibar Bautista, makalipas ang apat na taon, ngayon lang muli matutunghayan ang magarbong fireworks display sa Boracay Island kaya’t marami ang gustong makilahok.
“Ang preparasyo sa Boracay para sa December 31, haeos 11 ang willing para sa fireworks display, first time ra nga maemae ro magapahaompara sa fireworks display. After four years nga uwa kita it fireworks display. Gapasaeamat man nga after 2 years hay makabawi2 man kita when we talk about tourism industry,” saad niya sa panayam ng Radyo Todo.
Sa sulat na ipinadala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa alkalde, nakasaad ang mga lugar kung saan gaganapin ang mga fireworks display.
Kinabibilangan ito ng Punta Bunga, harap ng Discovery Shores, harap ng Astoria Station 1, Harap ng Regency Hotel, harap ng Paradise Garden Hotel, harap ng Villa Caemilla, Bulabog Beach /Aqua Boracay /7 Stone Hotel at New Coast Boracay.
Nakasaad sa sulat na ang LGU na ang magdedesisyon kung susundin nila ang BIATF Resolution No. 2018-33 na nagsasabing dapat may designated area ang fireworks display sa labas ng Boracay Island.
Hindi naman tutol ang DENR sa fireworks display basta’t dapat matupad ang mga sumusunod.
Dapat hind isa front beach at mayroong 100 metrong layo mula sa baybayin ng Boracay Island, dapat gumamit ng mga paputok na pinahihintulutan ng PNP at magsagawa ng clean-up at siguruhing malinis at walang debris na nakakalat sa lugar na pagsasagawaan ng fireworks display. MAS