Connect with us

Aklan News

11 pamilyang naapektuhan ng daluyong sa Caano, Kalibo nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Aklan Prov’l government

Published

on

NAKATANGGAP ng tulong pinansiyal ang nasa 11 pamilya sa barangay Caano, Kalibo na naapektuhan ng storm surge o daluyong dulot ng bagyong Pepito.

Personal na iniabot ni Gov. Joen Miraflores ang tig-P10,000 na financial assistance para sa pitong pamilya na totally damaged ang bahay habang tig-P5,000 naman ang natanggap ng apat na pamilyang partially damaged ang bahay.

Ang nasabing financial assistance ay ipinamahagi sa pamamagitan ng programa ng PSWDO Aklan.