Connect with us

Aklan News

110 NEW RECOVERIES NG COVID-19, NAITALA SA AKLAN NGAYONG ARAW

Published

on

Nakapagtala ng 110 new recoveries sa CoViD-19 ang Aklan Epedimiology and Surveillance Unit (PESU) ngayong araw kung saan umakyat na sa 3,965 na ang mga gumaling.

Habang 66 naman ang dumagdag sa mga nagpositibo sa kabuuang 245 samples na isinailalim sa tests kahapon (July 5) at humatak ito paakyat sa 4,852 total confirmed cases sa probinsya.

Bahagya namang bumaba ang active cases sa 777, habang nadagdagan naman ng isa ang mga namatay na may total deaths na 110.

Nanguna ang bayan ng Nabas sa may pinakamaraming panibagong kaso ng CoViD-19 ngayong araw na 23, Tangalan-20, Malay-12, Kalibo-5, Lezo-2, New Washington-2, Altavas-1 at Banga-1.

Ito naman ang status ng confirmed CoViD-19 cases ng bawat munisipalidad:

Kalibo – 1,247
Malay – 654
Nabas – 396
Ibajay – 352
Banga – 334
New Washington – 331
Numancia – 323
Makato – 231
Altavas – 140
Balete – 135
Tangalan – 134
Batan – 117
Lezo – 116
Malinao – 114
Libacao – 87
Buruanga – 87
Madalag – 44

Continue Reading