Connect with us

Aklan News

117 NA BAGONG PNP RECRUIT, IDE-DEPLOY SA BORACAY AT APMFC

Published

on

Photo| Pio Abang Lingkod

Isang Daan at Labing pito na mga bagong recruit ng Philippine National Police (PNP) mula sa PRO-6 ang sumailalim kahapon sa tradisyunal na Reception Rites sa Camp Pastor Martelino.

Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng mga matataas na opisyal ng PNP sa pangunguna ni PNP Director for Operations P/Major General Emmanuel Luis Licup, PRO-6 Director Brig. Gen. Rene Pamuspusan at Aklan Provincial Director Col. Esmeraldo Osia Jr.

Ang mga bagong appoint na police officers ang dadagdag sa pagbabantay at pagpapanatili ng Peace and Order sa isla ng Boracay at Aklan Provincial Mobile Force Company.

Ang naturang aktibidad naman ay bahagi ng tradisyon ng PNP na tinatawag na “Ritwal na Pagtanggap” na humuhubog sa disiplina ng mga pulis bago i-deploy ang mga ito.

Nabatid na bago tumuloy sa kampo ay dumaan sa Malay si PMGen Licup upang pangunahan ang inagurasyon at blessing ng Malay Municipal Police Station Command and Control Center.