Connect with us

Aklan News

11,779 ACTIVE TOURISM FRONTLINERS SA ISLA NG BORACAY, NABAKUNAHAN NA – DOT

Published

on

Photo Courtesy| Citymall Boracay

Umaabot na sa 91.96 percent o kabuuang 11, 779 mula sa target na 12, 809 active tourism frontliners ang nabakunahan sa isla ng Boracay.

Ito ang masayang inanunsyo ni Department of Tourism Secretary Bernadeth Romulo-Puyat sa isinagawang Virtual Press Conference ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) ngayong araw.

Ayon kay Sec. Puyat kasama sa nasabing numero ang mga tricycle drivers, masahista at mga nagtitinda sa souviner shops.

Samantala, mayroon namang 77.87 percent o katumbas ng 24, 451 residente ang nabakunahan sa isla, as of October 20, 2021.

Kaugnay nito, nitong Huwebes, Oktubre 21 ay na-ideliver na rin sa isla ang may 35,100 dozes ng Pfizer vaccine.

Dahil dito, inaasahan na sa katapusan ng buwan ay magiging 100 percent ng bakunado ang lahat kabilang ang tourism frontiners at mga reidente sa isla.

Sa ngayon, may isang kaso lamang ng COVID-19 ang nairekord sa isla, as of October 19, 2021.

Pahayag ng sekretarya ito ay dahil sa pinaigting na vaccination drive at dedikasyon na ibinubuhos ng tourism stakeholder upang masunod ang health and safety guidelines sa isla.