Aklan News
12 MEDICAL FRONTLINERS NG AKLAN PROVINCIAL HOSPITAL, PINATEST SA COVID 19
Kalibo, Aklan – DAHIL MATAAS ANG PELIGRO sa naging trabaho ng 12 medical frontliners ng Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital, minabuti ng pamunuan nito na kunan ng specimen sample at ipatest rin sila sa COVID 19.
Ayon kay Aklan Provincial Health Officer Dr. Cornelio Cuachon, Jr., ang mga frontliners na ito ay ang mga nagkaroon ng close contact o nag-alaga sa mga COVID patients sa Provincial Hospital at Aklan Training Center.
Nilinaw ni Dr. Cuachon na kumpleto sa Personal Protective Equipments ang mga ito kapag lumalapit sa mga pasyente at wala namang sintomas pero kailangan silang itest para masiguro na hindi sila nahawaan.
Sa ngayon at patuloy pa rin sila sa kanilang trabaho bilang mga medical frontliners kung saan limang pasyente na ang kanilang napagaling sa anim na pasyenteng kanilang inalagaan.