Aklan News
12 staff ng DRSTMH at 2 pasyente ang dumagdag sa COVID cases sa Aklan
Kanselado mula ngayon ang hospital admissions sa Aklan Provincial Hospital maliban sa mga COVID admissions matapos makapagtala nanaman ang Aklan ng 14 na panibangong kaso ng COVID-19.
Sa opisyal na pahayag ng Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital (DRSTMH), 12 sa mga nagpositibo sa sakit ay mga trabahante sa ospital at dalawa sa kanila ay mga pasyente.
Sa ngayon, lahat sila ay naka-isolate na at sumasailalim sa 14-day quarantine.
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang disinfection sa ospital at limitado pa rin ang lahat ng OPD consultations sa bawat departmento.
Pansamantalang isasarado ang medical at surgical ICU, Clinical Laboratory at Hemodialysis Unit ng ospital.
On-call na rin ang operasyon ng blood bank at ang pagtanggap ng mga emergency surgical, orthopedic at obstetrical ay maaaring itransfer sa mga non-covid na ospital.