Connect with us

Aklan News

12,000 KILOS NA ‘HOSPITAL WASTE’ NA ITINAMBAK SA AKLAN SPORTS COMPLEX SA CALANGCANG MAKATO, KINUHA NA

Published

on

Kinumpirma ni Punong Barangay Neil Tumbokon na kinuha na ang mga ‘hospital wastes’ na matatandaang itinambak sa Aklan Sports Complex sa Barangay Calangcang, Makato.

Ayon kay Tumbokon mahigit 12,000 kilos lahat ang nasabing basura na ikinarga at hinakot ng tatlong 10-wheeler truck at dadalhin sa syudad ng Iloilo.

Dagdag pa ni Tumbokon na may kaunti pang natira sa mga ‘hospital waste’ ngunit nangako umano ang driver ng truck na ito’y babalikan nila sa araw ng Sabado.

Matatandaan na humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Aklan Provincial Hospital sa isinagawang pagdinig ng Makato Sangguniang Bayan ukol dito at nangakong kaagad na ipapakuha ang nasabing mga ‘hospital wastes’.