Aklan News
135 Chinese na lumapag sa Aklan mula Wuhan, pinababalik ng aviation officials sa China
Kalibo, Aklan – “Kailangan po nilang bumalik dahil sila po ay turista lang dito.”
Ito ang sinabi ni Civil Aeronautics Board’s legal division chief Wyrlou Samodio, kasunod ng paglapag kahapon sa Aklan ng 135 Chinese tourist mula Wuhan City (lugar kung saan nagmula ang new corona virus).
Ayon kay Samodio, maglulunsad ng apat na flights papunta ng Wuhan ang Royal Air Charter at Pan Pacific Airline para mapabalik ang mga dayuhan sa kanilang bansa.
Hindi na nagbigay pa ng iba pang impormasyon si Samodio ukol sa flights ng mga turista na ngayon ay nasa tatlong magkakaibang hotels sa Boracay.
Lumapag sa Kalibo International Airport ang mga dayuhan bago pa man inanunsyo ang travel ban mula Wuhan, China.
Sa pinakahuling datos na ipinalabas ng China’s National Health Commission, umaabot na 25 katao ang namatay at 830 na ang apektado ng new corona virus.