Connect with us

Aklan News

14 TRABAHADOR NA TAGA-PANDAN, NAKA-UWI NA

Published

on

Image|Eske Cycy Tiplan Magallanes

Ligtas at masayang naka-uwi ang 14 na Pandananon na stranded sa isla ng Boracay.

Sinasabing ang mga ito ay nagtatrabaho sa isla at naabutan ng ECQ na pinatupad ng probinsya, ang mga workers na ito ay mga residente ng Patria, Talisay, Centro Norte, Buang, Centro Sur, Fragante at Luhod Bayang.

Bilang pagsunod sa protocol at para maka-tulong na mapigilan ang pagkalat ng sakit ang 14 na workers/pandananon ay naka quarantine sa Fragante Elementary School, Antique bago maka-uwi sa kani-kanilang pamilya.

Sa tulong rin ng lokal na gobyerno sa pangunguna ni Mayor John Sanchez at Vice Mayor Monmon Gumboc, binigyan ng 10 sako ng bigas sa tulong na rin ng Municipal Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang mga kasalukuyang stranded parin sa Boracay.