Connect with us

Aklan News

147 positive cases ng COVID-19, naitala sa Aklan ngayong araw; Banga, may pinakamaraming kumpirmadong kaso

Published

on

Larawan mula sa FB page ng Aklan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit

Ayon sa pinakabagong ulat ng Aklan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), 147 ang nag-positibo sa COVID-19 ngayong araw ng Linggo, Hulyo 18, 2021.

Ang bilang na ito ay mula sa 322 na sumailalim sa swab testing kahapon, habang 175 naman ang nag-negatibo.

Nanguna sa listahan ng may pinakamaraming kumpirmadong kaso ang bayan ng Banga na nakapagtala ng 36.

Ang sumusunod ay ang tala ng mga kumpirmadong kaso sa bawat bayan ng Aklan:

Balete: 1
Banga: 36
Batan: 2
Buruanga: 8
Ibajay: 23
Kalibo: 26
Lezo: 1
Libacao: 2
Makato: 1
Malinao: 7
Nabas: 24
New Washington: 5
Numancia: 11

Patuloy pa ring pinag-iingat ang lahat, at pinapayuhang sundin ang mga health protocols kontra COVID-19.

Continue Reading