Connect with us

Aklan News

15 NA PULIS NG ALTAVAS PNP, NAGPOSITIBO SA COVID-19

Published

on

Altavas – Pansamantalang pinahawakan ngayon sa mga taga Aklan 1st Mobile Company ng Aklan PPO ang operations and functions ng Altavas PNP matapos magpositibo sa Covid-19 ang 15 mga personnel nito.

Ito rin mismo ang kinumpirma ng Altavas PNP matapos lumabas ang kanilang swab test result kahapon.

Kasunod nito, isasailalim sa disinfection ng MDRRMO ang buong gusali ng Altavas PNP habang ililipat naman sa isang quarantine facility ang mga nagpositibong pulis.

Samantala, maliban sa 15 pulis, nabatid na nagpositibo rin ang kanilang helper kung kaya’t kasama rin ito sa mananatili sa nasabing quarantine facility.

“Despite of what we have facing right now..Altavas PNP are still grateful to all the prayers and essential foods that you’ve been offered to us. We are fighting this battle as one..so please ginapangabay gid namon do tanan nga indi anay magilinuwa sa inyong panimaeay, magsuksok gid it facemask ag sundon naton do tamang protocols para malikawan do pag eapta it virus. God bless us all,” ayon sa kanilang Facebook Page.