Aklan News
15 TURISTA, HINDI PINAPASOK SA BORACAY


Malay, Aklan – UMABOT na sa 15 turista ang hindi pinapasok ng Malay Local Government dahil nadikubre na sila ay may travel history sa China, Hong Kong at Macau nitong nakaraang 14 na araw kung saan ang mga ito ay kinabibilangan ng Chinese, Europeans at Asians.
Ayon kay Malay LGU Anti NCoV Task Force spokesperson Madel Joy Tayco, nakapasok sa Pilipinas ang mga ito bago pa man ipinatupad ang temporary travel ban kung saan nagtungo muna sa ibang tourist destinations bago pa man nakarating sa Aklan para magtungo sa Boracay.
Ngunit pagdating sa Boarder Patrol stations sa Caticlan ay nakita sa kanilang pasaporte ang kanilang travel history sa nasabing mga bansa.
Sinasabi ng iba na sila ay nag stop over lang doln ngunit ayon kay Tayco ay posible pa ring nakapagdala sila ng Coronavirus dahil bumaba sila sa eroplano at naexpose sa terminal ng airports.
Nilinaw naman ni Tayco na walang sintoma ang mga ito at binigyan nila ng medical clearance matapos isailalim sa check up ng doctors bago umalis para mag self quarantine.
Sa ngayon ay walang Person Under Investigation sa Boracay at patuloy na negative sa NCoV ang isla.
May halos 100 pang Chinese tourist silang monimonitor at hinihintay na lang ang kanilang flight pabalik sa China.
Wala ring ipinapakitang sintoma ang mga ito kaya walang dapat ikabahala ang mga turista at mamamayan ng Boracay.