Connect with us

Aklan News

151 kaso ng COVID-19, naitala sa Aklan ngayong araw

Published

on

Larawan mula sa FB page ng Aklan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit

Sa 338 na dumaan sa swab testing kahapon, 151 dito ang nag-positibo habang 187 naman ang nag-negatibo. Ayon ito sa pinakahuling health bulletin na inilabas ng Aklan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) ngayong Hulyo 24, 2021.

Lumalabas din sa ulat na ito ng PESU na bumaba sa 43% ang positivity rate, kumpara kahapon na 46%. Mayroon ding 2 nasawi, ayon sa health bulletin.

Nanguna sa may pinakamaraming kumpirmadong kaso ang mga bayan ng Banga at Kalibo na parehong nakapagtala ng 28 ngayong araw.

Narito naman ang bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19 sa bawat bayan:

Balete: 10
Banga: 28
Batan: 3
Kalibo: 28
Libacao: 4
Makato: 6
Malay: 27
Malinao: 1
Nabas: 10
New Washington: 11
Numancia: 13
Tangalan: 3

Patuloy pa ring pinag-iingat ang lahat, at pinapayuhang sundin ang mga health protocols kontra COVID-19.

Continue Reading