Connect with us

Aklan News

16 anyos na dalaga, binugbog ng kanyang nobyo

Published

on

Kinailangang dalhin sa ospital ang isang 16 anyos na dalaga para magamot dahil sa pambubugbog ng kanyang mismong nobyo.

Isinugod dakong alas-11:00 kagabi sa Aklan Provincial Hospital ang biktimang residente ng Makato pero agad naman itong nakauwi matapos malapatan ng gamot.

Kinumpirma ng Makato PNP na nairecord na sa kanila ang insidente.

Pero napag-alaman na wala namang balak na magsampa ng kaso ang pamilya ng biktima sa nobyo nitong isa rin umanong menor de edad.