Connect with us

Aklan News

16 kabahayan sa Boracay, nasunog; 21 pamilya, apektado

Published

on

Apektado ang nasa 21 pamilya dahil sa nangyaring sunog na tumupok sa 16 na mga kabahayan  bandang alas 5:38 kahapon ng hapon sa Sitio Cabanbanan, Manoc-manoc, Boracay.

Bagama’t nagpapatuloy pa ang imbestigasyon, sinabi ni FO3 Melvin Poras, Chief Investigator ng BFP Boracay na 8 sa 16 na mga nasunog na kabahayan ang totally burned  at 8 rito ang partially burned.

Base pa sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa bahay ni George Peralta, partikular sa ikalawang palapag nito na inuupahan naman ni Yusof Jawad.

Ayon pa kay Poras, mabilis umanong lumaki at nagkalat ang apoy lalo pa’t halos gawa sa light mixed materials ang mga bahay doon.

Base pa sa pagtaya ng BFP Boracay, umaabot sa P225, 000.00 ang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog.

Wala namang napaulat na nasugatan sa insidente.