Aklan News
16 NA BAHAY, NILAMON NG APOY SA BORACAY
![](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2022/03/16-NA-BAHAY-NILAMON-NG-APOY-SA-BORACAY.jpg)
![](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2022/03/16-NA-BAHAY-NILAMON-NG-APOY-SA-BORACAY.jpg)
Tupok at halos yero nalang ang natira matapos lamunin ng apoy ang 16 na kabahayan ngayong Miyerkoles ng tanghali sa Zone 1, Bantud, Brgy. Manocmanoc, Malay, Boracay Island.
Sa Fire incident report ni Mayor Frolibar Bautista, nabatid na 15 mula sa nabanggit na bilang ng natupok na bahay ay totally damaged at isa naman ang partially damaged.
Naapula naman ang apoy sa pagtutulungan ng mga residente, Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pang mga volunteer.
Inaalam pa ng mga otoridad ang kabuuang halaga ng danyos na iniwan ng sunog.
Habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP ukol sa sanhi ng sunog.
Ito ang kauna-unahang sunog ngayong buwan ng Marso na tinaguriang Fire prevention Month.
Kahapon lang, nagdaos ng motorcade ang Kalibo Fire Station para sa kick-off ceremony ng BFP sa Fire Prevention Month.
Nagpaalala pa si BFP Kalibo Fire Marshall SINSP Arden Bedoña, ang buwan ng Marso ang Fire Prevention Month subalit hanggat maaari dapat araw-araw ang fire prevention. MAS/RT