Aklan News
Apat na sasakyan ang nagkarambola bandang alas 2:25 kaninang hapon sa highway ng Barangay Tigayon.
Base sa report ng Kalibo PNP, nagtamo ng pinsala ang mga sumusunod na sasakyan na sangkot sa nasabing insidente:Ford Everest Wagon na minamaneho ni Niño Sajise ng Buenasuerte, Nabas; Mitsubishi Montero Sport Wagon na minamaneho ni Krizzle Desiree Calderon, 22 anyos ng Man-up, Batan; Mitsubishi Canter Close Van na minamaneho ni Jusiffer Arroyo, 30 anyos ng Aranas, Balete; at Isuzu Aluminum Van na minamaneho naman ni Antonio Fantilaga, 50 anyos ng Baldoza, Lapaz, Iloilo City.
Lumalabas pa sa imbistigasyon na papunta lahat sa direksyon ng Kalibo ang mga nasabing sasakyan, subali’t nag-full stop o huminto umano si Sajise dahil may huminto rin umanong sasakyan sa kanyang unahan.
Resulta, aksidente itong nabangga sa likuran ng sumusunod na Sports Wagon, at nabangga naman ng nasabing close van.
Samantala, hindi na nakalkula pa ng sumusunod namang aluminum van ang kanyang pagpreno nang makita ang insidente, rason na nabangga din nito ang sinusundang close van.
Samantala, nagkaareglo naman sa presento ng Kalibo PNP ang mga nasabing driver, at mapalad na walang nasugatan sa insidente.
(End)