Connect with us

Aklan News

16K TURISTA, DUMAGSA SA BORACAY SA LOOB NG 20 ARAW

Published

on

Photo| Malay Tourism Office/ Facebook Page

Dumagsa sa isla ng Boracay ang mahigit 16,000 na turista sa loob lang ng 20 araw mula nang buksan ito noong June 1, 2021 sa mga lugar na nasa General Community Quarantine (GCQ) ‘with heightened restrictions’.

Makikita sa datos ng Malay Tourism Office na nangunguna pa rin ang mga turista mula sa NCR o National Capital Region sa may pinakamaraming tourist arrivals na umabot sa 10,220.

Sinundan ito ng 3,519 na bakasyunista mula sa CALABARZON, 1,172 sa Central Luzon, 477 Aklanons at iba pang turista mula sa mga lugar na may maluwag na travel restrictions.

Karamihan sa mga pumupunta ay mga lalaki na nasa 7602 habang 7552 naman ang mga babae.

Kung titingnan ang kanilang age group, pinakamarami ang nasa edad 13-59 anyos na nasa 13,416, 1-12 anyos na 1445 at 60 above o mga senior citizens na nasa 293.