Connect with us

Aklan News

17-anyos na estudyante na naligo sa ilog matapos mag-enroll, nalunod-patay

Published

on

NALUNOD-PATAY ang isang estudyante matapos maligo sa ilog sa bahagi ng Barangay Alaminos, Madalag nitong Lunes.

Kinilala ang biktima na si Jayson Abang, 17 taong gulang at resident eng barangay Manhanip sa bayan ng Malinao.

Ayon kay Daphne Daguman ng MDRRMO-Madalag naabutan umano nila ang biktima na nasa tabi na ng ilog.

Batay aniya sa kwento ng kasamahan nito, pauwi na sila ng biktima mula sa kanilang paaralan matapos mag-enroll nang magkayayaan na maligo sa naturang ilog.

Ngunit, tumalon ito sa malalim na bahagi ng tubig at hindi na naka-ahon.

“Pag eumpat abi kuno nana sa tubi hay nakabutwa mat-a kuno imaw pero after that hay naglubog imaw. Ginahambae malang it anang friend nga basi na-pulikat kuno,” pahayag ni Daguman sa Radyo Todo.

Saad pa ni Daguman, nilapatan pa nila ito ng CPR at kagaad na dinala sa Madalag District Hospital subalit ideneklarang dead-on-arrival.