Connect with us

Aklan News

17 anyos na lalaki, patay matapos tamaan ng kidlat sa dibdib habang nangingisda

Published

on

Patay ang isang 17 anyos na lalaki matapos tamaan ng kidlat habang nangingisda sa barangay Libertad, Nabas, Aklan.

Kinilala ang biktima na si John Rey Almoquera, residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Reynard Dela Cruz ng MDRRMO-Nabas nangingisda sa may dalampasigan ang biktima at mga kasamahan nito nang bigla na lamang kumidlat.

Nagsitakbuhan umano papalayo sa dalampasigan ang mga kasamahan nito at naiwan si Almoquera sa kanilang bangka.

Dahil dito, tinamaan sa dibdib ang biktima dahilan ng kanyang pagkamatay.

Dinala pa ito sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.