Aklan News
1,732 NA ANG NABAKUNAHAN NA MGA TOURISM WORKERS SA BORACAY
Boracay island- Mahigit 50 porsyento ng 3,000 bakuna na dumating para sa tourism workers ang nagamit na sa loob ng tatlong araw na roll out sa isla ng Boracay.
Sa nakalipas na tatlong araw, kabuuang 1,732 na ang nabakunahan mula sa mga hotel at restaurant workers, tour guides at public transportation ng isla.
Nagsimula ang vaccination roll-out sa A4 category noong July 7, sa Paradise Garden Resort kung saan 507 ang nabakunahan na mas marami sa daily target na 500 na vaccinees gamit ang Sinovac para sa 1st dose.
Nagpatuloy ito noong July 8, kung saan 615 ang aktwal na nabakunahan kumpara sa 565 na target para sa 1st dose.
Biyernes, July 9, may 610 na nabakunahan ng 1st dose na lagpas sa sa 512 na target para sa araw na iyon.
Ipagpapatuloy ang vaccination roll-out sa mga tourism workers bukas, July 12, alas 2 ng hapon sa CityMall Boracay.
Matatandaang dumating sa isla ang 3,000 bakuna noong nakaraang Sabado mula na National Inter-Agency Task Force at inilunsad ang roll out noong Miyerkules sa pangunguna ni Tourism Secretary Berna Puyat at Vaccine Implementer Vince Dizon.
Layunin nito na mabigyan ng agarang proteksyon sa Covid 19 virus ang mga tourism frontliners at para madaling makabangon ang industriya ng turismo sa Boracay.