Connect with us

Aklan News

177 bagong kaso ng dengue naitala sa Aklan

Published

on

Nakapagtala na ng 177 bagong ng kaso ng dengue sa lalawigan ng Aklan.

Ito ay batay sa dengue bulletin ng Provincial Health Office (PHO) Aklan simula July 28 hanggang August 3, 2024.

Nangunguna naman sa may pinakamaraming kaso ng dengue ang bayan ng Malay na mayroong 239 cases; sumunod ang bayan ng Kalibo (217); pang-tatlo ang Nabas (105); pang-apat ang bayan ng Ibajay (93); at pang lima sa may mataas na kaso ang Numancia na may 91 dengue cases.//

Samantala, mula sa 17 bayan sa Aklan, 15 na mayroong clustering ng kaso ng dengue.

Kaugnay nito, hinimok ng PHO ang publiko na panatilihing malinis ang bawat tahanan at kapaligiran upang maiwasan ang pagkalat ng dengue na sanhi ng lamok.

Kaagad rin umanong magpakonsulta sa doctor kapag nakaramdam ng mga sintomas ng dengue tulad ng sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan at kasukasuan, at ang pagkakaroon ng mga pantal.| SMV