Connect with us

Aklan News

19-anyos na rider, bumangga sa pa-Uturn na sasakyan

Published

on

Nagtamo ng bali at mga gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang isang rider matapos sumalpok sa isang sasakyan. Kinilala ang biktimang si Earl Cipriano na residente ng Brgy. Caano, Kalibo.

Batay sa ulat, nangyari ang aksidente kagabi dakong alas-9:20 habang pauwi na ang biktima mula sa Poblacion.

Pagdating umano sa may crossing sa Kalibo International Airport ay biglang nag-Uturn ang isang sasakyan na hindi napaghandaan ng biktima kaya ito sumalpok.

Nirespondihan ang biktima ng MDRRMO Kalibo at dinala sa Aklan Provincial Hospital matapos malapatan ng first aid.