Connect with us

Aklan News

19 NA AKLANON STUDENTS NA NA-STRANDED SA CEBU CITY, NABIGYAN NG CASH ASSISTANCE NI CONG. HARESCO

Published

on

Nabigyan ng tig P5000 cash assistance ang 19 na Aklanon students na na-stranded sa Cebu City.

Lahat sila ay mga engineering students na nagre-review sa Cebu City para sa kanilang kukuning board examination.

Nakipag ugnayan ang tanggapan ni Aklan 2nd Dist. Cong Ted Haresco sa DSWD Field Office VI at ito naman ang nag coordinate sa DSWD Field Office VII para ma facilitate ang nasabing tulong ng kongresista.

Ang mga estudyanteng nakatanggap ng tulong ay sina Katherine Santia ng Pob. Ibajay; Vemberli Malijan ng Aslum, Ibajay; Kent Allan Relloto ng Mambog, Banga; Renz Louie De Pablo ng Camaligan, Batan; Patrick Russel Rey ng Badio, Numancia; Aira Jane Evangelio ng Solido, Nabas; Avin Joy Dela Cruz ng Magpag-ong, Batan; Melmar Villarias ng Joyao-joyao, Numancia; Johanna Tolores ng Naisud, Ibajay; Roselie Ibutnande ng San Roque, Malinao; Kara Mariz Francisco ng Pob. Kalibo; Myrna Subang ng Pob. Kalibo; Jaypee Sajise ng Manocmanoc, Boracay, Malay; Leafe Gallano ng Kalibo; Jona Beran ng Tigayon, Kalibo; Judy Anne Pastor ng Andagao, Kalibo; Jersegn Cid Kyla Malixi ng Andagao, Kalibo; Arjan Rectra ng Kalibo; at Gilbert Jaimlet Penillos ng Tabayon, Banga.

Sa ngayon wala pang update kung kelan makakauwi ang nasabing mga estudyante dahil nasa ECQ pa rin ang Cebu City.