Aklan News
19 stall ng paputok sinimulan ng itayo sa designated area sa bayan ng Kalibo


KABUUANG 19 stalls ng paputok ang itatayo sa designated area sa bahagi ng Cardinal Sin Avenue, Kalibo.
Ayon kay FO2 John Vincent Nufable ng BFP Kalibo, magsisimula ng magbenta ng mga lisensiyadong paputok ang naturang mga stalls bukas, Disyembre a-29.
Aniya pa, bago sila mapayagang makapagbenta ay kailangan muna nilang mag-comply ng mga requirements para maisyuhan ng fire safety certificate.
Kailangan aniyang ang bawat stalls ay susunod sa itinalagang sukat na 4 by 2 at dapat naka-double wall na yari sa CGI sheet.
Dapat mayroon din silang tubig, buhangin at fire extinguisher bilang fire protection nila.
Samantala, mahigpit ang paalala ng BFP Kalibo na bawal ang mga paputok na watusi, plapla, super Yolanda, goodbye Philippines, Goodbye De lima, Benladin at iba pang naglalakihang paputok.
Hiikayat din ni Nufable ang publiko na kung maaari ay iwasan na lamang ang magpaputok at lumikha na lamang ng alternatibong paingay sa pagsalubong ng Bagong Taon.