Connect with us

Aklan News

196 KATAO, NAGKAROON NG PHYSICAL CONTACT SA OPISYAL NG BFP NA POSITIBO SA COVID-19

Published

on

(Photo by Arnold Almacen/City Mayor’s Office)

Umaabot sa 196 katao ang nagkaroon ng physical contact kay WV 144 o sa 26 anyos na babaeng empleyada ng Bureau of Fire (BFP) na positibo sa COVID-19 at lumabag sa quarantine protocols.

 Ayon kay FSINSP Stephen Jardeleza – Spokesperson BFP Region VI, hinati nila ang mga taong nakasalamuha ni WV 144 sa tatlong klase, ang nasa low risk, medium risk at high risk.

Mula sa 196, 28 sa mga ito ang nasa hight risk at kasalukuyang nakafacility quarantine sa Iloilo.

Samantala, naka-strict home quarantine naman ang iba pang mga BFP personnel mula sa regional headquarters at Iloilo City Fire station na nasa medium risk at low risk.

Kaugnay nito, lima rin ang naka-quarantine sa Malay BFP, 3 sa kanila ang sa BFP Boracay substation at 2 sa Malay quarantine facility.

Sa ngayon ay naka-quarantine na rin si WV 144 sa ospital.