Connect with us

Aklan News

2 ARESTADO, 1 NAKATAKAS MATAPOS MAAKTUHANG NAGTO-TONG ITS

Published

on

For illustration purposes only

Lezo – Dalawang lalaki ang arestado habang 1 ang nakatakas matapos umanong maaktuhan na nagto-tong its bandang alas 4:20 nitong hapon sa isang kubo sa Bugasongan, Lezo.

Nakilala ang mga naarestong sina Darrie Mirasol, at Gene Sotomel, kapwa 59 anyos na pawang residente naman ng nasabing lugar, habang hindi na pinangalanan ang kasama nilang nakatakas.

Ayon sa Lezo PNP, kaagad nilang pinuntahan ang lugar matapos matanggap ang sumbong hinggil sa pagsusugal umano ng mga suspek.

Kasunod nito, naaresto ang dalawa at narekober ang kanilang baraha at kabuuang P63.00 na pera.

Pansamantala silang ikinustodiya sa Lezo PNP Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Laws na isasampa laban sa kanila.

Continue Reading